Nagpositibo sa iligal na droga ang nasa 45 mga drivers ng pampublikong sasakyan sa ikinasang project Undaspot ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa iba’t-ibang mga terminal sa Metro Manila.
Batay sa report, kabilang sa bumagsak sa drug test ang 24 na bus drivers, 14 na konduktor, 3 jeepney driver, 2 van driver, 1 tricycle driver at 1 taxi driver.
Umabot sa 5,000 mga tsuper at konduktor ang isinalang ng PDEA sa drug test.
Isinagawa ang drug testing kasabay ng inaasahang pagdasa ng mga pasahero sa darating na Undas at matiyak ang kanilang mga kaligtasan.