Nakapagtala ang Department of Science and Technology (DOST) ng 45 indibidwal na lalahok sa isasagawang “mix and match” study ng bansa.
Layon ng naturang pag-aaral na ma-evaluate ang kaligtasan at immunogenicity ng paghahalo ng iba’t ibang COVID-19 vaccines at vaccine platforms sa mga nasa hustong gulang na Pinoy.
Ayon kay DOST Undersecretary for Research and Development Dr. Rowena Cristina Guevara, dalawa sa limang site, partikular ang Marikina City at Muntinlupa City ang aktibong nagre-recruit ng mga lalahok para sa trial.
Inaasahang aabot sa 3,000 indibidwal na may edad 18 pataas ang lalahok sa “mix and match” study. —sa panulat ni Hya Ludivico