Namemeligrong makaranas ng matinding gutom ang nasa 45 milyong katao sa mundo.
Babala ito ng United Nations–World Food Program sa gitna ng nararanasang krisis dulot ng pandemya, kaliwa’t kanang digmaano Civil Unrest at Climate Change sa Middle East, Africa at ilang bahagi ng Asya.
Ayon sa WFP, kabilang sa inaasahang makararanas ng matinding taggutom ang milyun-milyong mamamayan ng Myanmar, Afghanistan at Yemen kung saan laganap ang kaguluhan.
Nakadagdag pa sa problema ang patuloy na pagtaas ng presyo ng oil products sa world market at numinipis na food supply dahil sa epekto ng climate change sa milyun-milyong ektaryang taniman.
Ipinanawagan na ng WFP Lalo sa mga mayamang bansa ang humanitarian aid na posibleng umabot sa 7 billion dollars para sa mga pamilyang nanganganib maapektuhan ng famine. —sa panulat ni Drew Nacino