Ipina- deport na ng Bureau of Immigration ang 45 South Koreans na nahaharap sa iba’t ibang kaso sa kanilang bansa.
Ayon kay Immigration Deputy Commissioner Toby Javier , sinundo sa bansa ang mga puganteng dayuhan ng mahigit 100 Korean police na INTERPOL at International Crime Unit.
Karamihan aniya sa kaso ng mga puganteng South Koreans ay mga cyber crimes partikular na ang voice Phising, online estafa at economic fraud.
Tiniyak naman ni Javier na makikipag- usap sila at makikipagtulungan sa kanilang counterparts sa South Korea para maiwasan na ang pagtatago ng mga wanted na Koreans sa Pilipinas.