Naniniwala ang 45 % ng mga Pinoy na gaganda ang kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan.
Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations noong March 26 hanggang 29, lumabas na 42% ng mga respondent ay naniniwalang ang Kalidad ng buhay ay pareho pa rin habang ang 6% ang naniniwalang lulubha ang kanilang pamumuhay habang 7% ang walang sinabi.
Ang net personal optimism score ng survey ay +38 na “very high”, anim na puntos na mababa sa “excellent” +44 noong December 2022.
Nakapagtala ng net personal optimism na +37 sa Balance Luzon, +27 sa Visayas, +45 sa Metro Manila at +47 sa Mindanao.
Ang survey ay ginawa ng face-to-face sa 1,200 adults nationwide.