45 OFW’s na mula sa Wuhan, Hubei, China ang gusto nang umuwi ng bansa.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Dodo Dulay, mayroon na silang team sa Wuhan na naghahanda para sa repatriation ng mga OFW’s.
Sinabi ni Dulay na sasailalim muna sa pagsusuri ang mga OFW’s at kung sino man ang makitaan ng sintomas ay hindi isasama sa repatriation bagkus ay ididiretso sa isang ospital sa China.
Posible anyang sa February 9, araw ng Linggo, dumating sa bansa ang mga OFW’s.