45 pasahero na sa Luzon ang stranded dahil sa bagyong Maymay.
Ayon sa Philippine Coast Guard, labing-pitong rolling cargoes, anim na vessels at sampung motorbancas ang hindi rin nakabiyahe.
Kabilang sa mga apektado ang Real Port, Burdeos Port, Dinahican Port at Polillo Port sa lalawigan ng Quezon.
Inabisuhan naman ng PCG ang mga mangingisda na iwasan nang pumalaot upang makaiwas sa anumang disgrasya.