Patay ang labing apat na sundalo habang sugatan naman ang labing isang indibidwal sa pag-atake ng mga militanteng grupo sa West Africa.
Nabatid na sumiklab ang kaguluhan matapos sumabog ang dalawang bomba sa ilang lugar sa central mali kung saan, tatlumput isang terorista pa ang nasawi.
Ayon sa mga otoridad, posibleng mga miyembro ng islamist militants ang nasa likod ng pagpapasabog na ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ang naganap na insidente sa lugar.
Matatandaang unang naitala ang insidente taong 2012 dahilan para patuloy na nakikipaglaban ang mga militar sa pag-asang mapapalayas sa lugar ang mga terorista.