Inaasahan ng 45 limang porysento ng mga Pilipino na gaganda ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan.
Batay ito sa fourth quarter 2018 Social Weather Survey (SWS) kung saan lumalabas ding limang porsyento ng mga Pilipino ang umaasang lalala o papangit ang kondisyon ng kanilang mga buhay.
Nakasaad din sa survey na 37 porsyento ng mga Pilipino ang nagsabing nag improve o gumanda ang kanilang buhay at 25 porsyento naman ang nagsabing lumala ang sitwasyon ng kanilang buhay.
Bahagi rin ng nasabing survey ang 43 porsyento ng mga Pilipinong “optimistic” o tiwalang lalakas ang ekonomiya ng bansa samantalang 11 porsyento naman ang naninawalang babagsak ito.
Ang nasabing survey ay isinagawa nuong December 16 hanggang 19, 2018 gamit ang face to face interviews sa halos 1,500 respondents.