Halos kalahati ng mga Pilipino ang naniniwalang may nararanasang problema sa kalusugan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay ito sa isinagawang survey ng SWS o Social Weather Stations sa isang libo’t limang daang (1,500) adult respondent mula Setyembre 15 hanggang 23.
Sa resulta ng survey ng SWS, apatnapu’t limang (45) porsyento ng mga respondents ang naniniwalang may health problems ang Pangulo, dalawampu’t anim (26) na porsyento ang hindi naniniwala habang nasa dalawampu’t siyam (29) na porsyento ang undecided.
Pinakamarami namang naniniwalang may sakit ang Pangulo sa metro manila na sinundan ng balance Luzon, Visayas at Mindanao.
Sa kapareho ding survey lumabas na limampu’t limang (55) porsyento ng mga Pilipino ang nag-aalala o nangangambang baka may problema sa kalusugan ang Pangulo.
Labing walong (18) porsyento naman dito ang sobrang nababahala habang tatlumpu’t walong (38) porsyento ang hindi gaanong nabababahala.
Animnapu’t isang (61) prosyento naman ang naniniwalang isang public matter ang usapin ng kalusugan ng Pangulo at kailangang ipaalam ito sa publiko.