Patay ang 45 katao, kabilang ang ilang sibilyan at Taliban fighters, sa panibagong pambobomba sa Afghanistan.
Ayon kay Ali Ahmad Faqir Yar, gobernador ng Adraskan district sa probinsya ng Herat, kasama sa mga nasawi sa air strikes ng security forces ang walong residente.
Samantala, binigyang diin ng defense ministry na iniimbestigahan na nila ang alegasyon tungkol sa civilian casualties.