Apatnaput limang (45) mambabatas mula sa Estados Unidos ang nanawagan sa pamahalaan ng Pilipinas na ipawalang bisa ang Anti-Terrorism Act of 2020.
Nagpadala na umano ng liham ang mga U.S. lawmakers sa embahada ng Pilipinas sa Amerika upang iparating ang kanilang pagkabahala sa batas kontra terorismo sa Pilipinas.
Sa isang virtual press conference kasama si dating Cong. Neri Colmenares sinabi ni Illinois Representative Janice Schakowsky na napakalawak ng Anti-Terrorism Law ng Pilipinas kaya’t hindi ito malayong magamit laban sa mga nagpro-protesta.
Nagpahayag naman ng paniniwala si California Representative Judy Chu na target ng batas ang mga labor advocates, human rights advocates at indigenous communities.
Nagpasalamat naman sa suporta ng mga mambabatas ng Amerika si Colmenares.