Nanatiling mataas ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw.
Batay sa datos ng PNP Health Service ay pumalo na sa 44,635 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus matapos madagdagan ito ng 450 bagong kaso.
Mula sa naturang bilang ay muling sumipa sa 3,262 ang bilang ng aktibong kaso kumpara sa mahigit 2,800 na naitala kahapon.
Nasa 31 naman ang mga bagong gumaling sa sakit kaya’t umakyat na sa 41,248 ang kanilang total recoveries habang nakapako pa rin sa 125 ang kanilang death toll.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos na nagpositibo rin sa COVID-19, lahat ng mga naitatalang kaso ay mayruon lamang mild symptoms dahil halos karamihan sa mga ito ay bakunado na at ang iba’y may booster shots pa.
Muling tiniyak ni Carlos na hindi maaapektuhan nito ang kanilang operasyon lalo’t kabi-kabilaan na rin ang mga nakalatag na COMELEC Checkpoint sa iba’t ibang panig ng bansa. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)