Aabot sa 4,500 migrants sakay ng maliliit na bangka ang nasagip ng Italian navy at Coast Guard sa Mediterranean Sea.
Ang pagkakasagip sa libu- libong migrants na ito ay nangyari sa loob lamang ng isang araw na pagpapatrolya.
Ayon sa ulat, ang magandang lagay ng panahon ang dahilan kayat sinasamantala ng mga refugees ang paglikas sa Hilagang Africa.
Dahil dito, inaasahan namang tataas pa ang naturang bilang sa mga susunod na araw.
By Ralph Obina
Photo Credit: AP