I-winidraw na lamang umano sa bangko ng ilang jeepney operator ang pera na para sana sa kanilang fuel subsidy.
Ito ang ibinunyag ni Pasang Masda president Roberto “Obet” Martin sa kanyang pagharap sa House Committee on Transportation hearing.
Ayon kay Martin, ang fuel subsidies na nilalaman ng landbank ATM cards ay hindi dapat i-wini-withdraw o gamitin ang cash sa halip ay dapat direkta itong ipalit sa mga gas stations.
Nag-issue na anya ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng show-cause orders sa mga concerned jeepney operator upang magpaliwanag kung bakit iwinidraw ang pera.
Umaasa naman si Samar 1st district Rep. Edgar Sarmiento, chairman ng kumite na sisipot ang mga tinutukoy na PUV operator sa susunod na pagdinig upang makapaglatag ng mas maayos na solusyon.