Tatanggap ng honorary doctorate mula sa New York University ang American singer-songwriter na si Taylor Swift.
Inanunsyo ng prestihiyosong unibersidad na kabilang ang pop star sa mga pararangalan sa commencement ceremony sa Mayo a-disi otso sa Yankee stadium.
Batay sa statement ng NYU, tatanggap si Swift ng doctor of Fine Arts, Honoris Causa, at nakatakdang magtalumpati sa harap ng mga estudyante at mga guest.
Tinawag ng NYU si Taylor bilang ”most prolific at celebrated artists” ng kanyang henerasyon.