Idineklara ng Department of Agriculture (DA) ang outbreak ng Avian Influenza H5N1, ngunit kinumpirma ng Department of Health (DOH) na maliit na porsiyento lamang ang posibilidad na makahawa ito sa tao.
Pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walang dapat ikabahala ang publiko sa nasabing outbreak.
Binanggit din ng kalihim na hindi madalas mangyari na mahawaan ang tao ng bird flu.
Sa kabila ng pagniniguro sa mga tao, ay binalaan ni Vergeire ang publiko na mag-ingat pa rin at pairalin ang minimum health standards. —sa panulat ni Mara Valle