Aabot sa 455 bayan sa Pilipinas ang wala pa ring suplay ng malinis na tubig.
Ito ang inihayag ni Senador Francis Tolentino sa pagdinig ng committee on local government matapos makita ang datos ng ipinatutupad na “Salintubig Program” ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ngunit kinontra ito ni Relly Leysa, project manager ng nabanggit na programa ng DILG, at sinabing ang bilang lamang ng bayan na wala pang malinis na tubig ay nasa 60.
Gayunman, iginiit ni Tolentino na nasa higit 9-milyong pamilya ang hirap pa rin sa pagkakaroon ng malinis na tubig.
Dahil dito, nagpatutsada ang senador sa mga kinauukulang opisyal na gawin ang kanilang trabaho at hindi hanggang “drawing” lang ang mga plano.