Napili ang aktres na si Kyline Alcantara bilang Honorary Ambassador in the Philippines ng Korea Tourism Organization (KTO).
Ito ang inihayag ni KTO Manila Director Hyung Joon Kim sa isang programa na ginanap sa isang hotel sa lungsod ng Taguig.
Ikinatuwa naman ng aktres ang pagkakapili sa kaniya bilang Honorary Ambassador.
Dahil aniya dito mas madaragdagan ang kaniyang kaalaman sa mga korean drama, kpop music at pati na rin sa mga korean culture.