Nanawagan sa European Union (EU) si Ukrainian foreign minister Dmytro Kuleba kaugnay sa dapat na tuluyang pagbabawal sa merkado ng langis ng Russia.
Sa nakalipas na pakikipagpulong ni Kuleba kay European Union top diplomat, Josep Borrell, iginiit nito na ito na dapat ang isunod na hakbang ng unyon.
Mababatid na una nang binatikos ang foreign minister ng EU, dahil sa bigo nitong pagbawal sa pag-angkat ng mga langis mula Russia.
Samantala, napag-usapan din ng dalawang opisyal ang pagsasagawa ng paglikas ng mga naapektuhan sa paglusob ng Russia sa Ukraine.