Sumampa na sa mahigit 45,000 katao ang apektado ng bagyong Agaton.
Batay sa huling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), apat na rehiyon sa Visayas at Mindanao kabilang dito ang Region 10, Region 11, Caraga at BARMM ang sinalanta ng nasabing bagyo.
Mahigit 23,000 pamilya naman ang inilikas at kasalukyang nasa evacuation centers.
Bukod dito, dalawang indibidwal na rin ang kumpirmadong sugatan mula sa Region 10.
44 naman na kabahayan ang nawasak habang tinatayang nasa higit 870,000 ang halaga ng danyos sa agrikultura sa BARMM.
Samantala, inaasahang sa Martes lalabas ng Philippine Area of Responsibilty ang naturang bagyo.—sa panulat ni Airiam Sancho