Hindi nakikita ng isang eksperto sa susunod na dalawang linggo ang pangangailangang i-akyat ang Metro Manila sa alert level 2 kahit pa naitala ang bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Kinontra ni Infectious Diseases Expert Dr. Edsel Dr. Salvaña ang naging pagtaya ng OCTA Research na mula sa low risk ay maaaring mag-moderate risk ang sitwasyon ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) sa darating na dalawang linggo.
Ayon kay Salvaña, sa ngayon ay wala pang indikasyon na kailangang magtaas ng alerto dahil gumagana ang epekto ng bakuna at mababa ang bilang ng mga naoospital.
Aniya malaking bagay sa ngayon na ipagpatuloy ang paggamit ng face mask dahil nakakatulong ito laban sa kontaminasyon ng COVID-19.