Muling nalampasan ng Pag-IBIG Fund ang record nito sa home loans.
Ito’y matapos makapaglabas ang Pag-IBIG ng mahigit 40 billion pesos sa unang limang buwan ng taong 2022.
Ayon sa Pag-IBIG Fund, naitala ang record-breaker mula Enero hanggang Mayo ngayong taon na katumbas ng 15% paglago mula sa 35 billion pesos noong 2021.
Ito na ang pinakamataas sa kasaysayan para sa unang limang buwan kahit anong taon.
Nangangahulugan naman ang tala na naging epektibo ang home loan policies at mas maraming Pilipinong manggagawa ang magkakaroon ng disente at abot-kayang tahanan.