Nakatakdang magsagawa ng face-to-face meeting ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) bilang pagdaraos ng ika-124 plenary assembly na gaganapin sa Hulyo 9 na tatagal hanggang Hulyo 11 sa isang retreat center sa Tagaytay City.
Ayon kay Msgr. Bernardo Pantin, CBCP secretary-general, nakatakdang dumalo sa dalawang beses na pagpupulong na gaganapin din tuwing Enero ang aabot sa 86 na aktibong obispo, 41 honorary na miyembro ng mga retiradong obispo, at dalawang diocesan administrator.
Kabilang sa mga tatalakayin ay ang May 9, 2022 National at Local Elections na pangungunahan ng mga kinatawan mula sa Halalang Marangal Coalition at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).