Nakabalik na sa bansa ang 47 mga distressed Overseas Filipino Worker o OFW mula Jeddah, Kingdom of Saudi Arabia.
Kabilang ang mga nasabing OFW sa pinakabagong batch ng mga migrant workers na na – apektuhan ng Saudization.
Ayon sa Manila International Airport Authority o MIAA, dumating sa NAIA Terminal 1 ang 47 OFW’s, 6:50 ng umaga ng Sabado.
Sinalubong naman sila ng mga miyembro ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA na nagbigay ng mga tulong pangkabuhayan.