Hindi bababa sa 47 mga South Korean fugitives o pugante ang ipinadeport ng B.I. o Bureau of Immigration pabalik sa kanilang bansa.
Magugunitang naaresto nuong Disyembre 14 ang mga naturang Koreano sa magkakahiwalay na mga paliparan sa Cebu at Mactan mula sa paliparan ng Maynila.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, agad itinurn-over sa Korean Police ang mga pugante nang makarating ang mga iyon sa Incheon Airport.
Dagdag pa ni Morente, kanila ring tiniyak na may mga karampatang clearances ang mga nabanggit na Koreano upang masigurong wala silang nakabinbing kaso na dinirinig sa mga lokal na korte sa bansa.