Tinutulan ng 47% o halos lima sa bawat sampung Pilipino ang pagpapatalsik ng Kamara kay Vice President Sara Duterte.
Sa resulta ng non-commissioned survey ng Public Opinion Research firm na WR Numero, 33% lamang ng adult respondents ang sumuporta sa impeachment habang 20% naman ang undecided.
Ayon kay WR Numero President at CEO Cleve Arguelles, mayorya ng kumontra sa impeachment ay mula sa Mindanao habang pinakamarami naman ang sumuporta dito mula sa Metro Manila.
Kaugnay nito, 43% din ng respondents ang hindi sigurado kung dapat i-convict o i-acquit ng Senado ang Pangalawang Pangulo, 34% ang pabor sa acquittal, habang 23% ang naniniwalang dapat ma-convict si VP Sara.
Ginawa ang survey simula February 10 hanggang 18, ilang araw matapos i-impeach ng Kamara ang Pangalawang Pangulo.
- Sa panulatn i Laica Cuevas