Nasa 47 volcanic earthquakes ang naitala sa bulkang Bulusan sa Sorsogon sa nakalipas na 24 oras
Ayon sa PHIVOLCS, bumaba naman ang volume ng sulfur dioxide emission nito sa 424 na tonelada mula sa 751 toneladang na naitala noong June 23.
Bahagya namang tumaas ang plume emissions nito o singaw sa 350 metro patungo sa direksyong Kanluran-Hilagang Kanluran at Hilagang Kanluran.
Una nang inihayag ng PHIVOLCS na posible pa rin ang phreatic eruption dahil sa patuloy na aktibidad ng bulkang Bulusan, na nanatili sa Alert level 1.