Pumalo sa mahigit 470 pasahero ang stranded sa Romblon Port Terminal matapos pinatigil ang barko bunsod ng malaking alon.
Ayon kay Batangas at Romblon Port Manager Joselito Sinocruz, sinubukan ng barko bumiyahe ng 5 p.m., kahapon, ngunit hindi na ito pinayagan ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa malalaking alon.
Mula pa anya sa Lucena City sa probinsya ng quezon ang barkong dumaan sa Romblon Port bago sana dumiretso sa Sibuyan Island.
Lulan din ng barko ang 10 rolling cargoes.
Samantala, inatasan na ng ahensya ang shipping lines na pakainin at bigyan na lamang ng maayos na tulugan ang mga stranded na mga pasahero.
Sa ngayon, wala pang anunsiyo kung kailan makakabiyahe ang barko dahil nakataas pa rin ito sa Gale Warning. -sa panunulat ni Jenn Patrolla