Aabot na sa mahigit 2.8 milyong estudyante ang nakapag-enroll sa unang araw ng enrollment sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa School Year 2022-2023.
Ayon sa Department of Education, ang nasabing bilang ay naitala dakong ala-7:30 kagabi kumpara sa mahigit 1.4 milyon dakong alas-3:30 ng hapon.
Wala namang napaulat na major issues o untoward incidents ang DepEd sa nationwide enrollment.
Pinasalamatan din ng kagawaran ang lahat ng personnel, volunteers at stakeholders sa maayos na proseso ng enrollment.
Tiniyak naman ng DepEd ang patuloy na suporta sa lahat ng field offices at paaralan nito para sa buong enrollment period sa gitna nang inaasahang mataas na turnout para sa nasabing school year.
Magsisimula ang School Year 2022-2023 sa August 22 ngayong taon at magtatapos sa July 7, 2023 habang itinakda ang blended learning at full-distance learning sa October 31.
Gayunman, dapat ay nag-transition na ang lahat ng public at private schools sa limang araw na in-person classes simula November 2.