Patay sa pamamaril ang limang katao na kabilang sa Anti-United Nations (UN) protest sa Democratic Republic of Congo.
Ayon sa mga otoridad, aabot naman na sa 50 ang sugatan sa nasabing kaguluhan.
Nabatid na inilikas naman ang ilang mga UN workers matapos na pagbabatuhin ng mga protesters.
Samantala, nagsimula ang kilos-protesta nitong Lunes kung saan pinapalayas nila ang mga taga-UN sa kanilang bansa, kung kaya’t napilitang gumamit ng tear gas ang mga kapulisan dahil sa pagiging marahas na ng mga magpoprotesta sa lugar.