Dinepensahan ni pwersa ng bayaning Atleta partylist Rep. Migs Nograles ang pagkakahalal kay Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos bilang Senior Deputy Majority Leader.
Ito’y matapos kwestyunin ni Kabataan Party-List Rep. Raoul Manuel ang pagkakaluklok sa pwesto ng bagong mambabatas sa nasabing posisyon dahil nakuha lamang umano nito ang posisyon dahil sa kanyang apelyido o dahil sa anak ito ng pangulo.
Inalmahan ni Nograles ang naturang pahayag at iginiit na sapat ang kaalaman ni Marcos sa house rules and procedures kung ikukumpara sa lahat ng bagong mga mambabatas dahil nakatrabaho nito si dating House Majority Leader at ngayo’y House Speaker Martin Romualdez.
Giit ni Nograles malinaw aniyang nagsalita na ang mayorya at tiwalang kwalipikado ito sa naturang posisyon na dapat igalang ni Manuel. – sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)