Nagsagawa ng pagpupulong kahapon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang hingiin ang opinyon ng mga abogado ng pamahalaan hinggil sa usaping kinakaharap ng bansa sa International Criminal Court (ICC).
Kasama sa naganap na pagpupulong sina Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile; Executive Secretary Victor Rodriguez; Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo; Justice Secretary Jesus Remulla; at dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.
Matatandaang nagpadala ng order ang ICC sa Pilipinas upang hikayatin nito ang pamahalaan na magsumite ng obserbasyon kaugnay sa muling pagbubukas ng icc sa imbestigasyon sa naging kampaniya ng nagdaang administrasyon hinggil sa war on drugs.
Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, nagkaroon na ng kasunduan sina PBBM at mga abogado ng pamahalaan pero hindi muna ito idinetalye ng opisyal.