Pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na mamili na ng pang noche buena items ng maaga kung may extrang budget.
Ito ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo ay upang hindi na maabutan ng noche buena bulletin na ilalabas sa third quarter ng taon.
Aniya, hindi naman agad-agad nag-e-expire ang mga pamaskong produkto kaya maaari ng mamili at mag-stock habang hindi pa tumataas ang presyo ng mga ito.
Nabatid na maglalabas ang DTI ng noche buena bulletin sa pagitan ng Oktubre at Nobyembre bilang gabay sa ng mga mamimili sa presyo ng mga pang-handa sa pasko at bagong taon.
Samantala, batay sa komputasyon ng ahensiya, makakatipid ang mga consumer ng mula 20 hanggang 70 pesos kung bibili ng bundle products.