Inireklamo ng Bangko Sentral Ng Pilipinas (BSP) ang isang social influencer at apat na tiktokers matapos mag upload ng sari-sariling video kung saan makikitang sinisira nila ang 50, 500 at 1000 peso bill.
Ayon sa BSP, labag sa batas ang ginawang aksyon ng mga inireklamo kung saan makikitang pinunit, binutas, ginawang pansalin ng langis sa motorsiklo, ini-staple at ginawang pampunas ang pera.
Dahil sa nangyari, pinahaharap ng BSP ang lima sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Wala pa namang sagot dito ang mga nasasakdal.
Matatandaang alinsunod sa batas, maaaring maharap sa pagkakakulong ng hindi hihigit sa limang taon at multang hindi lalampas sa P20k ang mga mapapatunayang sisira sa pera ng bansa.—sa panulat ni Hannah Oledan