Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 4,777 na mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang dahilan ng pag-akyat ng kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa sa bilang na 1,280,773.
Sa naturang bilang, 56,452 naman ang nananatiling aktibo sa COVID-19 sa ating bansa.
Nasa 1,202,257 naman ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 matapos na madagdagan ng 7,122.
Sa kaparehong datos ng DOH, naitala rin ang 95 bagong nasawi sa virus dahilan para sumipa sa 22,064 ang kabuuang bilang ng mga nasawi rito.