Patay ang isang edad 48 na lalaki nang atakihin sa puso habang nagmamaneho sa Ilocos Sur.
Kinilala ang biktima na si Allan Sawadan.
Ayon sa imbestigasyon, kasama nito sa sasakyan ang lima pang pasahero nang biglang nakaramdam ito ng pananakit ng dibdib at hirap sa paghinga…. Dahilan upang mawalan ito ng kontrol sa pagmamaneho hanggang sa bumangga ang sinasakyang kotse sa isang konkretong bakod sa highway ng barangay quinarayan, narvacan sa nasabing lalawigan.
Idineklara namang dead on arrival si sawadan matapos dalhin sa ilocos sur district hospital habang walang naiulat na nasugatan sa mga pasahero nito.—mula sa panulat ni Airiam Sancho