Apatnapu’t walong (48) dayuhang terorista ang na-monitor ng gobyerno na nag-o-operate at nag-re-recruit ng mga miyembro sa Mindanao.
Ito ang inamin ni AFP Deputy Chief of Staff for Intelligence, Maj. Gen. Fernando Trinidad sa kanyang pagharap sa ikalawang araw ng oral arguments sa mga petisyong kumukwestyon sa ligalidad ng martial law extension sa Mindanao.
Ayon kay Trinidad, nagpapanggap ang mga foreign terrorists bilang mga turista at negosyante.
Noon lamang anyang Nobyembre ay 15 terorista mula Indonesia at Malaysia ang pumasok sa Mindanao upang tumulong sa mga miyembro ng Maute-ISIS sa Sarangani.
Disyembre naman nang dumating sa bansa ang 16 pang Indonesian upang magsanay ng mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Basilan at Maute Group sa Lanao del Sur at nito lamang Enero ay isang Egyptian ang napaulat na pumasok din sa bansa.
Samantala, tinatayang 400 terorista ang kasalukuyang nasa Mindanao na kahalintulad na bilang nang sumalakay ang mga miyembro ng Muate-ISIS sa Marawi City noong Mayo.
—-