Simula alas-8:00 ng umaga, January 8 epektibo na ang 48-hour gun ban na ipinatupad ng Philippine National Police (PNP) sa Maynila, kasunod ng pista ng Itim na Nazareno.
Magtatapos ang gun ban sa Martes, January 10, 2017 ng alas-8:00 ng umaga.
Ang pagpapatupad ng gun ban sa Maynila ay para matiyak na maging maayos,mapayapa ang traslacion sa January 9.
Muling pina-aalalahanan ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na bawal magbitbit ng armas habang may gun ban.
Tanging mga unipormadong pulis at sundalo lamang ang pwedeng magdala ng armas.
Sa panig naman ng mg security guards pwede sila magbitbit ng armas habang naka duty sa kanilang mga pwesto at establisimiyento.
Apela naman ng PNP sa mga gun owners na maging responsable.
By: Meann Tanbio