Sasailalim sa total lockdown ang bayan ng Lucban sa Quezon sa loob ng 48 oras o dalawang araw.
Batay sa ipinalabas na abiso ng tanggapan ni Lucban Mayor Celso Olivier Dator, ang kautusan ay kasunod ng pagkakatala ng unang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanilang bayan.
Anito, epektibo ang total lockdown sa Lucban mula 12:01 a.m. ng hating gabi ng Abril 25 hanggang 12:01 a.m ng hating gabi sa 27.
Sa ilalim ng 8-hour lockdown, suspendido ang paggamit ng lahat ng mga passes tulad ng home quarantine pass, farmer’s pass at business pass kabilang ang private vehicle stickers.
Mahigpit din ipatutupad ang pananatili sa loob ng bahay ng lahat ng residente, pagsasara ng lahat ng mga negosyo kabilang ang palengke at grocery habang ang mga indibiduwal na exempted sa total lockdown ay hindi na papayagang papasukin sa bayan.