Niyanig ng magnitude 7.1 na lindol ang Fukushima, Japan nitong Sabado ng gabi na nagpaalala sa magnitude 9.0 na lindol na yumanig sa parehas na lugar noong taong 2011.
Batay sa ulat, 48 ang sugatan sa naganap na lindol at sa kabutihang palad ay wala namang naitalang nasawi .
Tinatayang nasa 74 kilometro ang episentro ng lindol sa Hilagang Silangan ng Namie, habang nasa 36 milya naman ang lalim ng naturang lindol.
Matatandaang tinumbok din ng lindol noong Marso 2011 ang Fukushima na ikinamatay ng 20,000 katao dulot ng lindol at tsunami.—sa panulat ni Agustina Nolasco