Lubog pa rin sa baha ang 48 lugar sa bansa bunsod ng pag-ulang dala ng shear line.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), hindi pa rin humuhupa ang baha sa limang lugar sa MIMAROPA, dalawa sa Bicol region, tatlo sa Northern Mindanao at 38 sa BARMM.
Samantala, 12 kalsada sa Bicol region at tatlo sa Northern Mindanao ang hindi pa rin madaanan.
Ayon pa sa NDRRMC, wala pa ring kuryente ang 19 na lugar sa Northern Mindanao at lima naman sa Bicol region.
Aabot naman sa mahigit P5.2-M (P5,247,313.29) na halaga ng assistance ang naipamahagi ng NDRRMC, kabilang ang food packs at hygiene kits.