Ikinukunsidera ng Department of Transportation o DOTr na ibalik sa China ang 48 overweight coaches ng Metro Rail Transit o MRT na nagkakahalaga ng 3.8 billion pesos.
Ito ang inihayag ni Transportation Undersecretary For Rails Cesar Chavez sa kanyang pagharap sa Senate Finance Committee hearing hinggil sa proposed budget ng kagarawan sa susunod na taon.
Ayon kay Chavez, inatasan na sila ni Secretary Arthur Tugade na humanap ng third party certifier upang pag-aralan kung maaari pang gamitin ang mga bagon.
Hindi anya nila maaaring i-kompromiso ang kaligtasan ng mga pasahero.
Inihayag ni Chavez na hinihintay pa nila ang assessment ng certifier bago magpasya kung ano ang gagawin sa mga bagon.
Kanina lamang, limang beses na nagka-aberya ang MRT kabilang ang biglang pag-preno ng tren kung saan dalawang pasahero ang sugatan.
SMW:RPE