Nakapagtala ng 48 panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mainland China.
Ito ang kinumpirma ng National Health Commission dahilan para umakyat sa 771 ang naitalang imported case sa China.
Wala namang naitalang panibagong kaso ng local transmission sa China.
Dahil dito nangangamba ang mga otoridad sa papataas na kaso ng COVID-19 sa mga dayuhan sa kabila ng pagpaigting ng kanilang health screening at quarantine protocols.
Sa kabuuan mayroon 81, 518 ang kaso ng COVID-19 sa China habang ay death toll itong 3,305.