Apatnapu’t walong porsyento ng mga Pilipino ang tiwalang bubuti ang kanilang buhay sa susunod na labindalawang buwan.
Ito’y batay sa isinagawa ng Social Weather Stations mula September 28 hanggang October 1.
Ayon sa survey, 4% ng respondents ang naniniwalang hindi magbabago ang kalidad ng kanilang buhay, habang 6% ang nagsabing lalala ito sa susunod sa labindalawang buwan.
Samantala, ang natitirang 7% ay hindi nagbigay ng sagot sa nasabing usapin.
Tinawag ng SWS na “optimists” ang mga Pilipino na naniniwalang bubuti ang kalidad ng kanilang pamumuhay, habang “pessimists” naman ang mga nagsabing lalala ang kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan.
Ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults sa buong bansa.