Pumapalo na sa 48 websites ang blacklisted na ng NUJP o National Union of Journalists of the Philippines at CMFR o Center for Media Freedom and Responsibility.
Mahigit isang taon ito simula nang ilunsad ng NUJP at CMFR ang Fakeblok plug in na isang Google Chrome plug in para balaan ang Facebook users laban sa mga pekeng balita.
Ayon kay NUJP Secretary General Dabet Panelo walang laman ang “contact us” label ng mga nasabing website na nangangahulugang walang mananagot sa kung anuman ang balita.
Ang CBCP ay mayruon ding sariling listahan ng websites at blogsites na naglalaman ng mga peke o hindi beripikadong mga balita.