Matapos ang kakila-kilabot na simula, ang “three-peat-seeking” Letran ay balik na sa regular programming nito para sa NCAA Season 98.
Nagbigay ng all-around effort si Fran Yu ng Letran Knights nang paluhurin nito ang college of St. Benilde blazers sa kanilang 81-75 na pagkapanalo kahapon sa Filoil Ecooil Center.
Nabawi ng Knights ang puwesto sa magic four nang may 2-1 record habang hinarap naman ng blazers ang kanilang unang pagkatalo matapos ang tatlong beses na sunod-sunod na panalo.
Sa kabila ng pagkatalo, napanatili naman ng CSB ang pagiging solo lead nito. – sa panunulat ni Hannah Oledan