Iminungkahi ng isang senador sa gobyerno na paramihin pa ang bilang ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Pilipinas.
Ito ay matapos lumabas ang ulat na nasa 30% hanggang 40% ng mga Filipino workers ang nagtatrabaho sa POGO.
Sa panayam ng DWIZ kay Senador Jinggoy Estrada, isinulong nitong itaas sa 70% hanggang 80% ang bilang ng mga Pilipinong makapagtrabaho sa POGO.
Kung hindi ito magagawa, mas mabuti aniyang tuluyang ipatigil ang operasyon ng POGO dahil mga Chinese lang ang nakikinabang dito.
“That was my campaign promise para magkaroon ng trabaho ang mga kababayan nating nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Puwede naman natin turuan ang ating mga kababayan ng language nila dapat sila ang mag-adjust”
Ang pahayag ni Senador Jinggoy Estrada, sa panayam ng DWIZ. - sa panunulat ni Jenn Patrolla