Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa posibleng epekto ng Bagyong Maymay gayundin ng tropical depression Neneng.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na patuloy nilang minomonitor ang galaw ng bagyo.
Ayon pa sa kalihim ay kaniya nang inatasan ang mga tauhan na mag-imbak ng mga pagkain sa kanilang mga bodega lalo na tuwing tag-ulan.
Sinabi pa ni Tulfo na naka-preposition na rin ang mga relief goods, gayundin ang pagkakaloob ng cash assistance alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nais aniya ng pangulo na agad na maiabot ang tulong sa mga maaapektuhan ng naturang kalamidad.