Hindi kailangang magbayad ang publiko sa pagrerehistro ng kanilang sim cards.
Ito ay base sa Republic Act no. 11934 na nilagdaan ni Pangulong Marcos Jr. noong Lunes, October 10.
Kaugnay nito, dapat magrehistro ang end-users sa isang platform o website na ilalabas ng Public Telecommunications Entities (PTEs).
Katuwang ang government agencies, ilulunsad din nito ang registration facilities sa remote areas na may limitadong internet access.
Sa ilalim ng nasabing bagong batas, inaatasan nito ang PTE na isama ang data ng mga kasalukuyang postpaid subscriber sa sim register upang iayon sa kinakailangan sa pagpaparehistro nito.
Nabatid na saklaw ng sim card registration act ang prepaid, postpaid, at eSIMs kung saan ang registration period nito ay sa loob ng 120 araw mula sa petsa ng bisa ng batas.